^

Police Metro

Anak binigti, tatay nagpakamatay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatay muna sa bigti ng isang ama ang kanyang 7-anyos na anak na lalaki na isang special child at pagkatapos ay nag­­pakamatay din ito sa pamamagitan nang pag-inom ng lason sa loob ng kanilang bahay sa Sta. Ana, Maynila, kamakala­wa ng gabi.

Kapwa natagpuang patay ang mag-ama sa ka­nilang silid na kinilalang sina Nestor Dipasupil, 39-anyos, walang trabaho at anak nitong si Kim sa kanilang bahay sa 1712 5th St., Punta, Sta. Ana, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang madiskubreng patay ang mag-ama sa silid, ng kaa­nak na si SPO1 Alma Dipa­supil, 34, hipag ng biktima, nakatalaga sa D-1 ng Manila Police District  (MPD).

Nabatid na dakong alas-12:30 ng tanghali noong Linggo ay huling makitang buhay ang mag-ama sa loob ng kanilang bahay at simula noon ay hindi na ito lumabas ng bahay.

Pinagtaka ito ng ina ni Nestor kung bakit hindi lumalabas ng silid ang mag-ama kaya’t humingi ng tulong sa manugang na si SPO1 Dipasupil.

Agad na pinuntahan ni SPO1 Dipasupil ang bahay at sa pamamagitan ng duplicate key ay nabuksan ang kuwarto at tumambad sa kanila ang mag-ama na kapwa wala nang buhay.

Ang bata ay nakitaan ng  marka ng tela sa leeg
habang maayos na nakahiga sa ibabaw ng isang upuang kahoy habang ang ama nito ay nakita ring nakadapa sa sahig may 2 pulgada ang layo mula sa anak.

Nakuha silid ang kulay asul  na nylon cord na hinihinalang ginamit sa bata, bote ng liquid Sosa, masking tape at plumber cleaner na pan­linis ng lalabo, ang ini­nom ni Nestor kaya ito namatay.

Patuloy ang imbestigasyon kung ano ang dahilan ni Nestor na patayin ang anak at maging ang  kanyang sarili.

 

ALMA DIPA

AMA

BATAY

DIPASUPIL

KAPWA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NESTOR DIPASUPIL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with