‘Carless Day’ ipinatupad sa Pasig
MANILA, Philippines - Nagpapatupad ng ‘carless day’ sa mga pangunahing kalsada kada linggo ang pamahalaang lungsod ng Pasig.
Pinasimulan kahapon ang proyekto na pinangasiwaan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) kung saan ay bawal ang mga motorized vehicle sa MRR Road sa Brgy. Pineda mula ala-6:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Ang Carless day, Weekly bike day at Health day ay adbokasiya ng lungsod sa pamumuno ni Mayor Maribel A. Eusebio, City Council at CENRO na gumamit ng alternatibong sasakyan bilang transportasyon kabilang ang bisikleta, skateboards at scooters, alinsunod sa city ordinance na isinusulong ang healthy at environmentally sound mode of transportation.
Ang programa ay pangatlo ng pagkakataon na isinagawa na unang ipinatupad sa kahabaan ng Ortigas Jr. road, sa Brgy San Antonio, na kauna-unahan sa Metro Manila na magpatupad ng carless day policy kasunod ang Brgy. Malinao sa harapan ng Pasig City Hall.
Base sa ulat, 70% ng air pollution sa Metro Manila ay nagmumula sa smoke belching vehicles na nakakasira sa kalusugan, productivity at resources na siyang pangunahing sanhi ng climate change.
- Latest