^

Police Metro

Hiling ng AFP sa mga residente ng Zambo... Huwag muna kayong uuwi

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinihiling ng pamunuan ng Armed Force of the Philippines (AFP) sa mga residente ng Zamboanga City na naapektuhan ng krisis na huwag munang umuwi sa kani-kanilang mga tahanan sa halip ay manatili muna sa evacuation center ha­bang isinasagawa ang clearing operation.

Sinabi ni Lt. Col. Ramon Zagala, hepe ng AFP public affairs office, posible umanong nag-iwan ng bomba ang mga miyem­bro ng Moro National Li­bera­tion Front (MNLF) sa kanilang tahanan at ang masamang epekto sa kanilang kalusugan dahil sa mga naagnas na bangkay sa lugar.

Ayon kay Zagala, puspusan ang ginagawang paglilinis ngayon ng tropa ng pamahalaan sa mga barangay na naapektuhan ng bakbakan.

“We have to look carefully under the rubble, in the houses. We are loo­king at 30 to 40-hectare stretch of rubble,” ayon kay Zagala.

Inihayag ni Zagala na gagawin nila ang kanilang makakaya para matugunan ang dalawang linggong palugit o deadline para makumpleto ang clearing operations.

Ang Philippine Natio­nal Police ang nangunguna sa clearing operation, base na rin sa napagkasunduan, pero nananatiling nakaantabay sa lugar ang puwer­sa ng militar hanggang hindi natatapos ng PNP ang kanilang trabaho.

 

ANG PHILIPPINE NATIO

ARMED FORCE OF THE PHILIPPINES

AYON

HINIHILING

MORO NATIONAL LI

RAMON ZAGALA

SHY

ZAGALA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with