Tatlong linggong krisis sa Zamboanga City tapos na… Mission accomplished
MANILA, Philippines - Inianunsyo kahapon ni Defense Secretary VolÂtaire Gazmin na tapos na ang madugong Zamboanga siege sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at ang sumalakay na Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari faction sa ilang barangay sa lungsod na nang-hostage din ng daan-daang mga residente.
“ We have accomplisÂhed the mission, I can say that the crisis is overâ€, ani Gazmin at sinabi pang umpisa kamakalawa ng gabi ay wala ng naitatalang sagupaan.
Kahapon ay pinayagan na nina Gazmin at ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na mapasok ng media ang ‘constricted area’ sa Brgy. Sta. Catalina at Sta. Barbara na naging sentro ng huling sagupaan.
Inihayag ng opisyal na wala na ring hostage ang grupo ng MNLF fighters na naghasik ng karahasan na umabot ng 19 araw o halos tatlong linggo.
Sa nasabing lugar pa lamang ay halos 100 bangkay ang narekober ng security forces na isasailalim sa forensic examination upang matukoy kung isa dito ay si Commander Habier Malik.
Si Malik ang namuno sa may 300 MNLF fighters na lumusob sa ilang coastal barangay sa Zamboanga City noong Setyembre 9 at nasangkot sa pangho-hostage sa tinatayang may 200 hanggang 300 sibilyan.
Nasa 195 naman ang nasagip at nakatakas sa grupo ng MNLF fighters. Sa kasalukuyan ay wala na ring hawak na bihag ang grupo ng Misuari faction.
Sa panig naman ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala, Spokesman sa krisis, umaabot naman sa 166 ang napaslang na MNLF fighters, 186 ang nasakote at 24 ang sumuko.
Nagtamo naman ang government security forÂces ng 23 patay at 184 na sugatan kabilang ang 18 nasawing sundalo, tatlo rito ay junior officers at nasa 167 naman ang sugaÂtan.
Ang insidente ay ikinasawi rin ng 12 sibilyan at 72 naman ang nasugatan sa kanilang hanay.
Ipagpapatuloy ang clearing operations sa mga posibleng eksplosibo na naiwan ng mga nagsitakas na MNLF fighters upang maging ligtas ang lugar sa pagbabalik ng mga sibilyan .
Sinabi ni Zagala na ang operasyon sa kasalukuyan ay maalis ng tuluÂyan ang banta ng karahasan sa lugar laban sa pangaÂnib, bala, eksplosibo bago iturnover sa pulisÂya ang pangangaÂsiwa sa sitÂwasyon ng law enforÂcement operations sa lugar.
Nakasamsam rin ang tropa ng gobyerno ng aabot sa 172 sari-saring uri ng mga armas mula sa Misuari faction.
Umabot sa mahigit sa 100,000 residente ang nagsilikas sa kanilang mga tahanan at halos nasa 10,000 kabahayan ang nasunog sa 30 ekÂtarÂyang lupain na sinaÂkop ng mga rebelde. – Joy Cantos, Malou Escudero –
- Latest