^

Police Metro

Lalaki napatay sa lamay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 29-anyos na la­laki ang pinaglalamayan matapos na siya ay saksakin ng naging kaalitan sa larong pusoy dos sa lamay ng kalugar kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center dahil sa mga saksak sa katawan ang biktimang si Federico Jorquia, helper, residente ng
no. 229 Mabuhay St., Road 10, Tondo.

Ang suspek na pinag­ha­hanap ng pulisya ay nakilalang si Michael Lopez, 40, ng no. 227 Paganapin St., ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigas­yon, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang pumunta ang biktima sa lamay ng namayapang kalugar at habang naroon ay nagkatuwaan umanong makipagpusoy sa suspek na si Lopez at dalawa pang lalaki.

Natalo si Lopez at sa pag-aakala na dinaya siya ng biktima ay sinuntok ito sa mukha.

Umuwi ang bikti­ma at nagsumbong sa kuya nitong si “Sonny” subalit, pinagsabihan lamang siya na huwag nang bumalik sa
lamay at matulog na lamang.

Hindi sinunod ng biktima ang payo ng kuya at nais nitong makaganti at  nang bumalik sa lamay ay nakahanda na pala ang suspek na armado ng patalim at agad na sinaksak ng maraming beses sa ka­tawan.

Tumakas ang suspek nang bumulagta ang biktima.

vuukle comment

BATAY

FEDERICO JORQUIA

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

ISANG

LOPEZ

MABUHAY ST.

MAYNILA

MICHAEL LOPEZ

PAGANAPIN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with