Lider ng BHG utas sa shootout
MANILA, Philippines - Utas ang sinasabing lider ng Bus Holdap Gang (BHG) sa isang shootout na naganap sa MandaluÂyong City kahapon ng maÂdaling-araw.
Kinilala ni P/Senior Supt. Florendo QuibuÂyen, hepe ng Mandaluyong Police, ang suspek na si Jonathan Ecleo, 33, na itiÂnuturong lider ng Calbayog-Fabella bus robbery group na nambibiktima ng mga pasahero sa Mandaluyong City at mga kalapit na lungsod.
Si Jonathan ay idinekÂlarang dead-on-arrival sa Mandaluyong City Medical Center (MCMC) dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.
Dalawa sa mga kasama ni Ecleo ang naaresto ng mga pulis na kinilalang sina Jesus Ecleo, 33, at Mariano Lim-It, 32, na kapwa residente ng 536 Calbayog St., Barangay Highway Hills, Mandaluyong City.
Batay sa imbestigasÂyon na isinagawa ni SPO1 Joemer Puzon, naganap ang shootout dakong alas-12:00 ng madaling araw sa Francisco St. corner BalÂlesteros St., sa Barangay New Zaniga.
Nauna rito, hinoldap umano ng grupo ang isang bus sa Mandaluyong City dakong alas-3:00 ng haÂpon, na ikinasugat ng isa sa mga pasahero na nakilalang si Phennyron Christian Agustin, ng Barangay Sto. Niño, Marikina City. Pagsapit ng alas-7:00 ng gabi ay muling nambiktima ang grupo sa Makati City.
Ayon kay Quibuyen, nakatanggap sila ng impormasyon na muling manghoholdap ng bus ang grupo sa Mandaluyong City kaya’t kaagad silang nagpakalat ng dagdag na pulis sa kahabaan ng EDSA.
Nagpapatrulya naman ang mga operatiba ng Anti-Vice Division sa EDSA, kanto ng Reliance St. at dito natiyempuhan ang mga suspek na lulan ng taxi patungong EDSA.
Pinara ng mga pulis ang taxi pero bigla na lang umanong nagpaputok ang lider ng gang. Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkasawi ni Jonathan, habang naaresto ang dalawang kasama.
Narekober sa pag-iiÂngat ng mga suspek ang isang homemade revolver .32 na may mga live bullets, dalawang homemade .38 revolver at isang balisong.
- Latest