^

Police Metro

Mister hinostage ang pamilya sa loob ng kampo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Walang takot na hinostage ng isang mister ang kanyang pamilya sa loob mismo ng Camp Karingal, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na nakakulong at nahaharap sa patung-patong na kaso ay nakilalang si Salik Ampuan, 28.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi sa loob ng kampo ay sumakay ang suspek kasama ang misis na si Aiza at dalawang anak sa tricycle ni Enrique Sunga, 33 sa may terminal ng tricycle sa Road 23 Brgy. Bahay Toro at nagpahatid sa DAID-QCPD sa Camp Karingal.

Nagwika ang suspek kay Sunga na doon sila dalhin ng kanyang pamil­ya para magpakamatay.

Habang nasa daan, bigla umanong nagbunot ng baril si Ampuan at tinutukan si Sunga sabay banta na babarilin kung hihinto.

Pagsapit sa loob ng kampo, partikular sa harap ng DAID ay nagawang makaalpas ni Sunga kay Ampuan, hanggang sa gawing hostage ng huli ang kanyang pamilya at nagbanta na papatayin.

Habang bihag ng suspek ang pamilya ay nagpaputok ito ng baril, su­balit nakipagnegosasyon si Sr./Supt. Procorpio G. Lipana at nagawang mapasuko ang suspek na kung saan ay sinabi nito kaya siya nagpunta sa kampo ay para ireklamo ang misis nito ng pangangaliwa.

Narekober kay Ampuang ang isang kalibre 45 baril na may isang magazine na may lamang apat na bala.

vuukle comment

AMPUAN

BAHAY TORO

CAMP KARINGAL

ENRIQUE SUNGA

HABANG

PROCORPIO G

QUEZON CITY

SALIK AMPUAN

SUNGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with