Mga tauhan ni Kumander Kato sumalakay... BIFF vs Militar: 8 utas
MANILA, Philippines - Apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ni Kumander Umbra Kato at 4 sundalo ang nasawi nang magka-engkuwentro nang ataÂkihin ng grupo ng una ang isang militiamen outpost, subalit nang masusukol ay binihag ng mga ito ang 4 guro at 11 esÂtudyante kahapon sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.
Sa ulat ng Army’s 602nd Infantry Brigade bandang alas-2:20 ng madaling-araw nang i-harass ng grupo ng BIFF ang isang outpost ng Civilian Volunteers Organization (CVO) sa Brgy. Rangaban III, Midsayap ng lalawiÂgan sa pangunguna ni Commander DM at Abas Kudanding.
Nagsagawa naman dakong alas-8:00 ng umaga ng hot pursuit operations ang tropa ni Lt. Col. Roberto Huet at nakasagupa ang tropa ng BIFF sa Brgy. Tugal sa nasabing bayan at napatay ang apat na BIFF at isang sundalo.
Nang malapit nang masukol ay hinostage naman ng BIFF ang apat na guro at 11 estudyante na ginawang human shield sa pagtakas sa Brgy. MaliÂngao, Mirasol at PolongoÂguen.
Ayon naman sa MalaÂcañang na walang failure of intelligence sa panig ng military sa nangyaring hostage-taking ng mga tauhan ng BIFF.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin LacierÂda, nagsasagawa mismo ng combat patrol ang mga sundalo ng makasagupa nila ang mga miyembro ng BIFF na tauhan ni Umbra Kato.
Nagsagawa ng negosasyon ang isang barangay chairman sa lugar at napalaya ang mga bihag.
- Latest