^

Police Metro

Rolbak sa presyo ng langis

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines- Nagpatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw na ito.

Kabilang sa mga  nag-rolbak ang mga kumpanya ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, PTT Philippines at Seaoil Corporation.

Magkakahalintulad na presyo ang itinapyas ng naturang mga kumpanya.

Nasa P.70 sentimos ang ibinawas sa kada litro ng premium at unleaded gasoline, P.90 sentimos sa kada litro ng diesel at P1 sa kada litro naman ng kerosene.

Epektibo ang naturang rolbak dakong alas-12:01 ng Lunes ng madaling-araw. 

Wala pa namang advi­sory ang iba pang kumpanya ng langis sa bansa ngunit inaasahan na susu­nod din ang mga ito sa bagong ga­law sa lokal na merkado.

Nitong nakaraang linggo, nagtapyas din ang mga kumpanya ng langis ng P.30 kada litro ng gasoline at P.30 kada litro sa kero­sene.

EPEKTIBO

KABILANG

MAGKAKAHALINTULAD

NAGPATUPAD

NASA P

PETRON CORPORATION

PILIPINAS SHELL

SEAOIL CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with