Sec. Alcala pinasisibak
MANILA, Philippines - Nananawagan si Atty. Argee Guevarra kay PaÂngulong Benigno Aquino III na sibakin na sa puwesto si Agriculture Sec. ProceÂso Alcala na umano’y tumatahak sa baluktot na daan at patuloy na sumisira sa daÂngal ng apelyido ng Pangulo.
Ang panawagan ni Atty. Guevarra ay kanyang ginawa kasabay ng paggunita sa ika-21 taong aniÂbersaryo ng pagkakatatag ng martial law sa bansa.
Ayon sa abogado, patuloy umanong binubuntutan ng mga alegasyon ng katiwalian ang kalihim simula pa ng kanyang pamunuan ang departamento subali’t patuloy na kapit-tuko sa poder sa kabila ng napakaraming panawagan sa kanyang resignasyon.
Una nang nanawagan si Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarata sa pag-alis ni Alcala sa puwesto sa gitna ng mga balita ng P457 milyong katiwalian sa importasyon ng bigas at ang ulat mismo ng ahensya ng Bureau of Agricultural Statistics’ (BAS) ng umano’y kakulangan ng 2.5 milyong metriko tonelada sa produksyon ng bigas ngayong taon bunsod ng kabiguan ni Alcala na abutin ang target ng bansa.
Maging ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya sa Pilipinas (PAMALAKAYA) at mga maÂngingisda ay nanawagan na rin ng pagsibak sa puwesto kay Alcala dahil sa pagkakasangkot nito sa Napoles pork barrel fund scam.
Nitong Biyernes, iginiit ni Alcala na hindi siya bababa sa puwesto hanggat nasa kanya ang tiwala ng Pangulo, na siyang nagtalaga sa kanya sa puwesto.
Inakusahan ang kalihim ng pag-endurso sa P89.2 milyong halaga ng proyekto sa isang NGO na umano’y pinlano at sinadyang pandarambong ng bilyong-halaga ng pondong pang-agrikultura na hindi mangyayari kung walang pahintulot umano ni Alcala.
Sa ngayon ay kabilang ang DA at National Food Authority (NFA) sa iniimbestigahan ng House of Representatives at Senado kasunod ng alegasyon ng kalahating bilyon pisong overpricing sa inangkat nitong bigas na ibinunyag ng grupong Ang Gawad Pinoy Consumers Cooperative.
Maging ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ay ibinunyag din ang P200 milyong anomalya sa importasyon ng bigas na sangkot naman ang isang ahensya ng DA na Bureau of Plant Industries (BPI).
- Latest