^

Police Metro

6th victim ng serial killer... Pokpok dinedo sa motel

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pick-up girl o pokpok  ang hubo’t hubad na pinatay sa pamamagitan ng pagpukpok ng bato sa kanyang ulo na ika-anim na bikti­ma ng isang gumagalang serial killer sa loob ng isang motel sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.

Sabog ang mukha at ulo ng biktima na nakila­lang si Shiela Halili, 28, nakatira sa Casa Novela Inn sa D. Jose St., Aveni­da, Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala naman ang suspek na alias ‘Michael’, may taas na 5’6, tinata­yang may edad sa pagitan na 35-40 at matipuno ang pangangatawan na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.

Sa report ni Det. Glenzor Vallejo ng MPD-Homicide section, dakong alas-2:50 ng madaling-araw nang matagpuang walang buhay ang biktima sa loob ng banyo ng Room 15 ng Carport Inn sa Fuguso Lope De Vega St., Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Mario Fabillar, roomboy ng nasabing motel,  kinatok ang kuwarto ng biktima matapos ang tatlong oras na pagrenta sa kuwarto subalit walang sumasagot dahilan upang gamitan ng duplicate key kung saan natagpuang duguang nakahandusay ang hubo’t-hubad na biktima sa loob ng banyo.

Sinabi ng Vallejo, nag-check in ang biktima ka­sama ang isang lalaki na nagpakilalang Michael dakong alas-11:50 ng hatinggabi, gayunman hindi napansin ng pamunuan ng motel ang paglabas ng suspek at naiwan ang biktima sa loob.

Narekober sa tabi ng biktima ang isang bato na hinihinalang ginamit sa pagpatay sa biktima. Sa rekord ng MPD ay pang-anim na ang biktima na pinatay ng suspek sa pamamagitan ng pagpukpok ng bato sa kanilang ulo.

“Iisa ang pattern ng pagpatay na iniiwan sa loob ng motel na posi­b­leng kagagawan lang ng isang tao na serial killer na galit sa mga pokpok ” ayon kay Vallejo.

Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa St. Rich Funeral Homes para sa safekee­ping at awtopsiya.

vuukle comment

BIKTIMA

CARPORT INN

CASA NOVELA INN

CRUZ

FUGUSO LOPE DE VEGA ST.

GLENZOR VALLEJO

JOSE ST.

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with