^

Police Metro

92-anyos na lolang abortionist huli sa akto

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga otoridad ang isang 92-anyos na lola sa aktong nagsasagawa ng pag-aborsyon sa isang buntis na babae kamakalawa sa Caloocan City.

Ang suspek ay kinilalang si Catalina Jose “alyas Aling Tali”, ng Phase 2, Bagong Silang ng natu­rang  lungsod.

Ginagamot naman sa Jose Rodriguez Memorial Hospital ang dalagang nagpapalaglag dahil sa dami ng dugong nawala na si Joan Bertiz, 22,  ng Kasiglahan Village, Rodriguez, Rizal.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay may dalang warrant of arrest ang mga pulis upang dakpin ang suspek sa tinitirhan nito.

Dito ay naaktuhan ng mga pulis na may nakahigang babae at nagsasagawa ng abortion  ang suspek.    

Inamin ng dalaga na ipinalaglag niya ang 5 buwan fetus sa kanyang sinapupunan sa halagang P4,000 na naging dahilan upang agad na dalhin sa nasabing ospital.

Napag-alaman na ilang beses nang nadakip si Jose, subalit matapos makapag-piyansa ay nagpapatuloy sa illegal na gawain nito.

 

vuukle comment

ALING TALI

BAGONG SILANG

BATAY

CALOOCAN CITY

CATALINA JOSE

JOAN BERTIZ

JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

KASIGLAHAN VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with