Financier ni Nur huhubaran ng maskara
MANILA, Philippines - Nakatakdang imbestigahan ng Malacañang ang sinasabing financier ng paksiyon ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa panguÂnguna ni Nur Misuari na naghasik ng kaguluhan sa Zamboanga City.
Ayon kay Deputy PreÂsidential Spokesperson Abigail Valte, ipinag-utos na ni Pangulong Benigno Aquino III na isama sa imbestigasyon ang sinasaÂbing naging financier ni Misuari.
Tiniyak ni Valte na maÂhuhubaran kung sino man ang nag-udyok kina Misuari at nagbibigay sa kanila ng suporta.
Hindi umano makakaÂtagal ng pakikipagbakan sa security forces ang grupo ni Misuari kung walang supplier o financier ng bulto ng malalakas na kalibre ng armas at mga bala ang grupo na umabot na sa ika-13 araw kahapon sa Zamboanga City.
Idinagdag pa ni Valte na sa kasalukuyan ay mas pinagtutuunan muna ng pansin ng gobyerno ang clearing operations at ang paniniguro na magiging ligtas ang mga lugar na sinakop ng grupo ni Misuari.
Bukod sa clearing opeÂrations tinututukan din umano ang pagliligtas sa mga natitirang bihag ng mga tauhan ni Misuari sa pangunguna ni Habier Malik.
Ang bakbakan sa Zamboanga City ay nagresulta sa pagkamatay ng sampung sundalo, tatlong pulis, 8 sibilyan. Nasa 120 namang sundalo ang sugatan, 13 pulis at 48 sibilyan.
Samantalang sa panig ng MNLF ay nasa 96 na ang nasawi habang nasa 117 naman ang sumuko at nasakote ng security forÂces.
- Latest