^

Police Metro

Bus sa Zambo binomba: 3 todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlo ang nasawi nang sumabog ang isang bus na kararating lamang sa kanilang terminal sa Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga na­sawing sina Meliton Orquijo, 57, konduktor ng bus; Hudson Guinilac, 21 at Alison Saavedra, 19; kapwa bus washer.

Nasugatan naman si Doming de Jesus, 63 anyos, driver ng D ‘Biel Transit  bus na may body number 2871 na bumibi­yahe sa  Zamboanga City patungong Labuan.

Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi ay kararating lamang ng nasabing bus sa garahe nito sa terminal nang biglang sumabog ang bomba.

Isang improvised explosive device (IED) ang nabatid na inilagay sa loob ng bag na inabandona sa ikatlong upuan mula sa puwesto ng bus driver.

Sa lakas ng pagsabog ay nasapul ang tatlong biktima na agad binawian ng buhay sa insidente.

Natanggal ang bubong ng bus na ikinapinsala rin ng iba pang bus sa garahe.

Iniimbestigahan nga­yon ng mga otoridad ang posibilidad na bahagi ng ‘diversionary tactics’ ng rogue Moro National Liberation Front (MNLF) ang pagsabog ng isang bus.

Idinagdag pa ng pulisya na lahat ng anggulo ay iniimbestigahan nila kabilang rin ang extortion.

 

vuukle comment

ALISON SAAVEDRA

BATAY

BIEL TRANSIT

BUS

HUDSON GUINILAC

IDINAGDAG

MELITON ORQUIJO

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with