Pagdukot kay Kae nahagip ng CCTV
MANILA, Philippines - May posibilidad anya na sa Moonwalk Village sa Las Piñas City dinukot ang napaslang na advertising executive na si Kae Davantes makaraang mapanood ang bagong “closed circuit television (CCTV) footage†na isinumite ng Las Piñas City Police.
Ayon sa Task Force Kae na pinamumunuan ni Chief Supt. Christopher Laxa na nahagip ng CCTV na nakakabit sa arko ng Moonwalk Village ang pagdating ng Toyota Altis (PIM-966) ni Davantes dakong ala-1:41 ng madaÂling araw.
Ngunit makaraan ang 10 minuto o dakong ala-1:51 ng madaling araw, humaharurot na muling lumabas ang sasakyan kasunod ang isa pang behikulo.
Tumanggi si Laxa na banggitin kung anong uri ng sasakyan ang bumubuntot sa kotse ni Davantes ngunit sinabi nito na hindi nila matiyak ang plaka dahil sa hindi malinaw na kuha ng CCTV.
Sinabi ng opisyal na malaki ang posibilidad na sa loob ng Moonwalk Village hinarang si Davantes, kinumander ang kanyang sasakyan at mabilis na umalis. Inatasan na ngaÂyon ni Laxa ang kanyang mga tauhan na suyurin ang Moonwalk Village upang makakuha ng testigo na maaaring nakakita kung nagkaroon ng komosyon sa mga oras na dinukot si Davantes.
Nanawagan si Laxa sa mga residente ng naturang lugar na makipagtulungan sa kanila upang mabigyan ng katarungan ang pagkakapaslang kay Davantes na kung saan ay nasa P2.5 milyon na ang “reward money†na ibibigay sa sinuman na makapagbibigay ng impormasyon na magbibiÂgay-daan sa pagkakakilala at pagkakadakip sa mga salarin.
- Latest