^

Police Metro

4 pa MNLF napatay, 6 sumuko sa gutom

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Sa ika-12 araw ng krisis sa Zamboanga City ay napatay ang 4 na mi­yembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) habang anim ang sumuko sa gutom at wala nang mga bala kahapon ng umaga.

Sinabi ni Lt. Col Ha­rold Cabunoc, Commander ng AFP-Civil Relations Group (AFP-CRG)), dakong alas-9:15 ng umaga nang makabakbakan muli ng tropa ng mga sundalo ang nalalabi pang miyembro ng rogue MNLF sa Brgy. Sta Barbara.

Wala namang iniulat na karagdagang nasuga­tan at nasawi sa panig ng mga sundalo sa nasabing panibagong bakbakan kahapon.

Anim namang rouge MNLF na nanghihina na sa gutom at wala ng mga bala ang sumuko sa tropa ng pamahalaan sa nasabing barangay.

Sa kabuuan, umaabot na sa 117 ang naaresto at nagsisukong rogue MNLF sa puwersa ng gobyerno simula noong Setyembre 9 nang lumusob ang may 300 nitong miyembro sa ilang coastal barangay sa lungsod ng Zamboanga. Naitala rin sa 98 na ang napapaslang na rebelde sa bakbakan sa apektadong lugar sa lungsod.

vuukle comment

BRGY

CABUNOC

CIVIL RELATIONS GROUP

COL HA

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NAITALA

SETYEMBRE

STA BARBARA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with