^

Police Metro

Engineer itinumba ng tandem sa highway

Randy V. Datu - Pang-masa

SUBIC, ZAMBALES, Philippines– Dead-on-the-spot ang  isang engineer nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ka­makalawa sa kahabaan ng national highway sa ba­yang ito.

Kinilala ni P/Sr. Inspector Jelson Dayupay, hepe ng Subic Police Station, ang bik­timang si Ray Londel Ca­pati, 22, civil engineer ng 125 Norton St., New Ka­lalake, Olongapo City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:20 ng hapon ay minamaneho ng biktima ang kanyang itim na Hyundai Accent (MJ 4829) sa kahabaan ng National Highway patungong kabayanan.

Pagsapit sa tapat ng ga­­so­linahan sa Feria St., Barangay Iiwas ay nag-overtake ang mga suspek sakay ng Honda XRM mo­torcycle (8186 RG) at pinaputukan ang biktima sa bintana.

Nagawang banggain ng biktima ang motorsiklo ng mga suspek na ikinatumba nito, gayunman nang makatayo ay muling pinutukan  ang biktima na tinamaan sa ulo.

Tumakas ang mga suspek at kinomander ang isang traysikel matapos na masira ang kanilang gamit na motorsiklo.

Natagpuan ang traysikel sa Barangay Cawag ng mga humabol na pulis.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagpatay.

BARANGAY CAWAG

BARANGAY IIWAS

FERIA ST.

HYUNDAI ACCENT

NATIONAL HIGHWAY

NEW KA

NORTON ST.

OLONGAPO CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with