Zambo police chief na binihag, may 23 MNLF na kasama sa paglaya
MANILA, Philippines -Sa ika-siyam na araw ng krisis sa Zamboanga City ay nabihag ng mga Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari faction ang police chief ng Zamboanga City Police, dalawa nitong security escort kahapon.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, kinilala ang mga bihag na sina Sr. Supt. Chiquito Malayo, hepe ng Zamboanga City Police at dalawang tauhan na sina PO2 Jeamil Candido Alvarez, SWAT na driver ni Malayo at PO3 Alijean Ibnohasim Dacumos.
Batay sa ulat bandang alas-11:00 ng umaga kahapon nang magtungo si Malayo sa Sitio Bagtus, Brgy. Mampang upang magsuperbisa sa bakbakan sa nasabing lugar.
Gayunman, hinarang ang mga biktima ng MiÂsuari breakaway faction na pinamumunuan umano ni Commander Akbari.
Ayon naman sa isang intelligence officer ng puÂlisya sa Zamboanga City na tumangging magpabanggit ng pangalan ay patuloy nilang beneberipika ang ulat na napatay na ng MNLF ang dalawang pulis at tanging itinira ay si Malayo na ngayo’y ginagamit na “human shieldâ€.
Pagkalipas ng anim na oras ay pinalaya rin si Malayo at nakapagkumbinse ng 23 MNLF na sumuko.
- Latest