Pusher patay sa shootout, 7 timbog
MANILA, Philippines - Napatay ng mga opeÂratiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Marikina City Police ang isang kilabot na drug pusher nang magkaroon ng shootout sa isinagawang buy bust opeÂration sa J.P. Rizal St., Santo Niño, Marikina City na kung saan ay lima ang naaresto.
Ang nasawi ay kiniÂlalang si Alexander Siobal alyas “Bossâ€
Habang ang pitong nadaÂkip ay sina Conrado MaÂÂcalino, 46; Richard PasÂcual, 40; Michael BaÂlagtas, 46; Rommel Tiangco, 40; Frederick del Rosario, 35; Ranier Amante, 34; at Darwin Canieso, 23, mga residente sa Marikina City.
Sa naantalang ulat, ganap na ala-1:30 ng hapon, nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na tropa ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa pamumuno ni Atty. Jacquelyn De GuzÂman, at koordinasyon ng Marikina City Police at ng tulong ng Military Intelligence Group, Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP), sa labas ng bahay ni BaÂlagtas na ginagawang drug den sa may Sto. Niño, Marikina City.
Agad nagkaroon maikÂling palitan ng putok sa pagitan ng isa sa mga suspek at nagresulta sa pagkakasugat ng isa sa PDEA personnel at pagkaÂmatay ni Siobal.
Nakumpiska sa mga suspek ang mga sachets ng shabu, na tumitimbang ng 75 grams at nagkakahalaga ng P375,000 pesos, mga drug paraphernalia, isang Ford Focus (ZSH 411) at isang cal.45 Colt pistol na may magazine na naglalaman ng anim na bala.
- Latest