AFP gumamit ng air strikes vs MNLF
MANILA, Philippines - Isang air strike operation ang inilunsad ng mga combat plane ng Philippine Air Force (PAF) upang malipol na ang nalalabi pang grupo ng rogue Moro National Liberation Front (MNLF) sa kanilang defensive position sa ‘battle zone’ sa ilang apektadong lugar sa Zamboanga City.
Sa ulat, pasado alas-12:00 ng tanghali ay daÂlaÂwang MG520 attack helicopter ang ginamit sa pambobomba ng tatlong rounds ng rockets sa mga nagsisipagtagong rebelde sa Sitio Lustre sa Brgy. Sta. Barbara.
Ito ang kaunaunaÂhang gumamit ng air strike opeÂration ang AFP sa ikaÂwalong araw ng standoff simula nitong Lunes.
Sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan na ‘closed air supÂport’ lamang upang mapalabas sa kanilang pinaglulunggaan ng rouge MNLF ang isinasagawa ng PAF sa lugar bilang tulong sa ground forces ng Philippine Army at ng pulisya.
Kinumpirma naman ng isang military officer ng militar sa Zamboanga na ayaw pa ring magsisuko ng MNLF Misuari faction kaya dapat na ang mga itong gamitan ng kamay na bakal sa pamamagitan ng air strike operation.
Sinabi ni Tutaan na simula noong Setyembre 9 hanggang sa inisyal na tala kahapon ay nasa 61 na ang nasawi kabilang ang tatlong pulis, tatlong sundalo, limang sibilyan at 51 rogue MNLF forces habang nasa 112 naman ang nasugatan.
Naitala naman sa 63 ang naaresto at nagsisukong mga tauhan ni Misuari na sangkot sa pagkubkob partikular na sa limang barangay na sinalakay ng mga ito noong Lunes.
- Latest