Enrile, Jinggoy, Bong, Napoles atbp. kinasuhan ng plunder
MANILA, Philippines - Isinampa na kahapon ng Department of Justice (DOJ) sa Ombudsman ang kasong plunder at malversation laban sa 38 indibidwal kabilang sina Janet Lim Napoles, at mambabatas tulad nina Senators Juan Ponce EnÂrile, Ramon Bong RÂeÂvilla at Jinggoy Estrada na may kaugnayan sa P10 billion pork barrel scam.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima bukod kina Enrile, Revila at Estrada, ay kinasuhan din ng plunder ang dating mga solon na sina Rizalina Seachon Lanete at Edgard Valdes na isinampa ng National Bureau of InÂvestigation at Atty. Levito Baligod dahilan sa mahigit anya sa P50 milyon ang nakuhang komisyon ng naturang mga mambabatas sa pakikipagsabwatan kay Napoles para magamit ang kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel gamit ang limang NGOs ni Napoles.
Tatlong dating congÂressmen-Rodolfo Plaza ng Agusan del Sur, Samuel Dangwa ng Benguet at Constantino Jaraula ng Cagayan de Oro ay kinasuÂhan ng malversation direct to bribery and violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Walong chiefs-of-staff (COS) ng 8 mambabatas ay kinasuhan din ng plunder sa Office of the Ombudsman.
Ito ay sina Jessica “Gigi†Reyes, chief of staff ni Enrile; Richard Cambe, COS ni Revilla; Ruby Tuazon, aide ni Enrile at Estrada; PauÂline Labayen, staff ni Estrada; Jose Sumalpong, COS ni Lanete; Janet dela Cruz, district staff ni Lanete, Erwin Dangwa, COS ni Dangwa; at Carlos Lozada, staff ni Dangwa.
Limang pinuno ng imÂplementing agencies ay inirekomenda rin kasuhan ng plunder, malversation at graft and corrupt pracÂtices act violations na kiÂnilalang sina Alan JaÂvelÂlana, ex-president ng Nabcor; ConÂdelina AmaÂta, president ng NLDC; Antonio Ortiz, daÂting director general ng TRC, Dennis Cunanan, former deputy director general ng TRC; Salvador Salacup, dating presidente ng ZREC na ngayon ay unÂdersecretary of DepartÂment of Agriculture.
Ang 6 din na pinuno ng Napoles-linked NGOs ay kinasuhan din ng plunder o malversation.
Ang ikalawang batch naman na ihahain sa Ombudsman ay hinggil sa maling paggamit P900-milyon Malampaya Fund kung saan sangkot din si Napoles.
- Latest