Rolbak sa presyo ng langis ipinatupad
MANILA, Philippines - Ipinatupad kahapon ng madaling-araw ang rolbak sa presyo ng langis.
Kabilang sa mga nag-anunsyo ng pagbababa sa presyo ng kanilang mga produkto ang Pilipinas Shell, Petron Corporation, PTT Philippines at Seaoil Corporation.
Pinakamalaki ang presyong ibinaba sa premium at unleaded gasoline na tinapyasan ng P1.60 kada litro, P.85 kada litro sa presyo ng diesel at P.80 sa presyo naman ng kerosene.
Wala pa namang opisyal na deklarasyon ang Chevron Philippines at iba pang oil players pero inaasahan na susunod ang mga ito sa galaw ng presyo ng petrolyo.
Mas mababa umano ang presyo ng kanilang nahangong mga produktong langis sa internasyunal na merkado kaya isinagawa ang pagbaba sa halaga nito.
- Latest