^

Police Metro

Adik na anak ipinakulong ng ina

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinakulong ng isang nanay ang sariling anak na lulong sa droga sa takot na gawan sila ng masama nito at mapahamak pa.

Ang suspek na ipinaaresto sa mga tanod ay nakila­lang si John Philip David, 23, binata, jobless, ng Lopez Avenue, UP Village, Los Baños, Laguna.

Sa salaysay ng inang si Ginang Evelyn, 53, tinangka umano silang saktan ng anak gamit ang dalawang patalim at gunting sa loob ng kanilang bahay sa Man­dalu­yong City kahapon ng alas-8:00 ng umaga.

Kaya’t ito ay ipinahuli at sinampahan ng kasong attempted parricide nang maghawak ito ng patalim  sa dalawang kamay at pagtangkaang saksakin ang sariling ina.

Nabatid na dumating umano si David mula sa Laguna, sa kanilang bahay sa 846 Inocentes St., Barangay Pag-asa, Mandaluyong City at napansin ni Gng.Evelyn  na kakaiba ang ikinikilos ng anak na nagsasalita ng hindi maintindihan at halatang lango sa alak at droga kaya’t iniiwasan nila ito.

Maya-maya umano ay kumuha ito ng dalawang patalim sa kusina at ng gunting kaya’t napilitan ang ina na awatin ang anak bago pa man may magawa itong masama laban sa kanila.

BARANGAY PAG

EVELYN

GINANG EVELYN

INOCENTES ST.

JOHN PHILIP DAVID

LOPEZ AVENUE

LOS BA

MANDALUYONG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with