^

Police Metro

Natagpuang patay sa inuupahang kuwarto ng katabing lalaki… buntis na GRO minartilyo

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Basag ang bungo ng isang 29-anyos na guest relation officer (GRO) na umano ay tatlong buwan buntis matapos matagpuang patay sa kuwarto ng isang lalaki na katabi ng inuupahan nitong kuwarto kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang biktima na natag­puang patay ay nakilalang si Lorilyn Obiego, 29, ng Manggahan, Malaria ng naturang lungsod.

Habang pinaghahanap ng pulisya ang isang alias Rolly na nangungupahan sa katabing kuwarto na pinagtagpuan ng biktima.

Batay sa ulat, dakong  alas-5:45 ng umaga  nang matagpuang walang buhay ng ilang residente ang bik­tima sa loob ng inuupa­hang kuwarto ni Rolly na halos mabasag ang ulo na hinihinalang pinalo ng martilyo at nakita sa tabi nito na may bahid na dugo.

Inihayag ng may-ari ng mga paupahang ku­warto na si Rocky Lada, dalawang oras bago ma­tagpuan ang bangkay ng biktima ay dumaan sa ka­nila si Rolly na may dalang bag at sinabing may pupuntahan lang ito sandali.

Patuloy ang imbesti­gasyon ng pulisya kung ano ang motibo nang pag­patay sa biktima ng sus­pek.

vuukle comment

BASAG

BATAY

CALOOCAN CITY

HABANG

INIHAYAG

LORILYN OBIEGO

ROCKY LADA

ROLLY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with