^

Police Metro

P250-M shabu nakumpiska ng PDEA

Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang Chinese national ang naaresto sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakalawa sa Las Piñas City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Jang Wei Chung, alyas “Airas Chen”, 30, ng no. 236 Ongpin St., Sta. Cruz, Maynila; at Yaya Zheng, babae, 26 at nakumpiska sa kanila ang mga shabu na aabot sa P250 milyon.

Nabatid na isinagawa ang operasyon kamakalawa ng hapon makaraang isang asset ng PDEA ang nakipag-transaksyon sa mga suspek sa pagbili ng shabu.  Itinakda ang bentahan sa may Brgy. Pamplona II, ng naturang lungsod.

Hindi na nakapalag sina Jang at Zheng nang mapalibutan ng mga ahente ng PDEA matapos na magkaabutan ng bayad at ng droga. 

Nakumpiska sa posesyon ng mga suspek ang nasa 50 kilo ng hinihinalang shabu at isang Mitsubishi Montero na gamit ng mga suspek sa operasyon.

 

AIRAS CHEN

DALAWANG CHINESE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JANG WEI CHUNG

LAS PI

MITSUBISHI MONTERO

ONGPIN ST.

YAYA ZHENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with