^

Police Metro

No. 2 most wanted man ng SoKor, tiklo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 54-anyos na umano ay no. 2 man ng Korean Mafia at sinasabing no. 2 most wanted din sa South Korea ang nadakip.

Ang suspek ay kinilalang si Lee Byeong Ko, alyas “Bruce Lee” at tubong South Korea.

Ayon kay Manila Police District Director Chief Supt. Isagani F. Genabe Jr., may isang buwang surveillance ang isinagawa bago nadakip ang suspek na natunton sa loob ng isang Korean Restaurant na matatagpuan sa panulukan ng Pedro Gil at J.Bocobo St., Malate, Maynila, kamakalawa ng alas-4:00 ng hapon.

Nabatid na humingi ng police assistance sa MPD ang Bureau of Immigration (BI), kaugnay sa warrant for deportation  ng suspek.

Ang suspek ay undocumented simula noong isang taon,  nang kanselahin ang passport niya ng Korean Embassy dahil sa tinakasang mga kaso na may kaugnayan sa  fraud, robbery, kidnapping, drugs at firearms at iba pang mabibigat na kaso na nangyari sa kanilang bansa.
Dahil sa pagkadakip ng suspek ay posibleng may  madawit at mabunyag na ‘contact’ ng nasabing dayuhan sa loob ng Immigration kaya ito nakapanatili ng matagal sa bansa.

Nabatid na ang no. 1 man ng Korean Mafia ay nagtatago rin sa bansa at patuloy pang pinaghahanap.

BOCOBO ST.

BRUCE LEE

BUREAU OF IMMIGRATION

GENABE JR.

ISAGANI F

KOREAN EMBASSY

KOREAN MAFIA

KOREAN RESTAURANT

LEE BYEONG KO

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with