Force evacuation ipinatupad sa Zambo siege
MANILA, Philippines - Ipinatupad na kahapon ng Crisis Management Council (CMC) ang “force evacuation†sa anim na barangay na itinuturing na “critical zone†kaugnay ng krisis sa Zamboanga City na patuloy ang paglala ng gulo dulot ng paghahasik ng MNLF Misuari breakaway group.
Nabatid na umaabot na sa 5,348 pamilya o katumbas na 24,704 ang inilikas na mga apektadong residente sa siyudad at Zamboanga City Sports Complex pa lamang ay may kabuuan ng 15,000 evacuees na naunang nagsilikas na kasalukuÂyang kinukupkop umpisa pa noong Lunes sa pag-atake ng grupo ng limang Commander ng MNLF breakaway group sa pamumuno ni Habier Malik.
Kabilang sa libu-libong inilikas na mga sibilÂyan ay mula sa mga lugar sa Brgys. Sta Barbara, Sta Catalina, Mampang, Talon-Talon, Rio Hondo at iba pang bahagi ng Tugbungan upang walang madamay na sibilyan na maipit sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at ng pulisya na idineploy sa lugar.
Samantala, umaabot na sa 21 ang nasawi habang 69 pa ang sugatan sa Zamboanga City siege na nasa ikalimang araw na kahapon at sa spillover ng gulo sa Lamitan City, Basilan.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan Jr., sa Zamboanga crisis ay dalawa ang nasawi sa AFP, 3 sa PNP at dalawang sibilyan habang sa MNLF breakaway group ay nasa 11 ang napaslang o kabuuang 18 death toll umpisa noong Lunes hanggang sa kasalukuyan.
Nasa 28 na sundalo, anim sa PNP habang nasa 34 naman sa hanay ng mga sibilyan ang nasugatan.
Sa ikalawang araw ng spillover sa Basilan ng paghahasik ng karahasan ng nagsanib puwersang mga bandidong Abu Sayyaf, Moro National Liberation Front (MNLF) at Bangsamoro Islamic Freedom Figthers (BIFF) sa Brgy. Colonia, Lamitan City, Basilan ay isang miyembro ng Civilian Volunteer Organization (CVO) ang napaslang at tatlo naman sa panig ng mga kalaban.
- Latest