Riding in trio na holdaper nasakote
MANILA, Philippines - Dahil sa kahinahinala na kilos habang sakay ang tatlong lalaki sa iisang motorsiklo na walang plaka kaya’t inaresto ito ng mga pulis at barangay tanod kamakalawa sa Taguig City.
Ang mga nadakip na suspek ay kinilalang sina Antonio Butuan, 21, ng Purok 2, Magsaysay St., Lower Bicutan; Leo Fegueras, 35, ng Purok 10, PNR Site, WesÂtern Bicutan; at Richmond Abella, 26, ng 4 Cabuyao St., Western Bicutan.
Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang mamataan ang tatlong suspek na lulan ng motorsiklo na walang plaka sa may Camachili St., sa naturang barangay.
Nakasuot pa ng PNP ball cap at athletic t-shirt ng pulisya si Fegueras haÂbang minamaneho ang motorsiklo, angkas ang dalawa nang sitahin dahil sa kahina-hinalang kilos.
Nang inspeksyunin ang dalang bag, nadiskubre na may laman na isang granada, isang kalibre .9mm pistol, bala ng kalibre .45, dalawang patalim, badge ng PNP at PNP-CIDG ID card na hinihinalang gamit ng mga ito sa panghoholdap.
Nang isailalim sa “background investigation†sa loob ng Taguig City Police, natuklasan na si Butuan ay sangkot sa panghoholdap at panghahalay sa isang baÂbaeng estudyante noong Agosto 30 na naganap sa bakanteng lote sa gilid ng C-5 Road sa may Water Fun at Heritage Park.
Kasama ni Butuan sa naturang krimen ang isang alyas “Jock-Jockâ€.
Nabatid naman na may mga kinakaharap ring iba pang kaso nang panghoholdap at pag-akyat-bahay sina Fegueras at Abella sa iba’t ibang lugar sa lungsod.
Inginuso naman ni BuÂtuan ang pinagtataguan ni Jock-Jock sa may TUP Compound sa Brgy. Western Bicutan ngunit hindi na inaÂbutan ito ng mga pulis nang magsagawa ng operasyon.
Ang mga suspek ay ipinagharap ng kasong “illegal possession of firearms and ammunitions†at “usurpation of authorityâ€.
- Latest