5 sundalo sugatan sa landmine/ambush
MANILA, Philippines - Nasugatan ang limang sundalo na ang apat sa kanila ay nasabugan ng bomba na itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army kasabay ng pagpapaulan ng bala sa naganap na ambush sa San Miguel, Surigao del Sur kahapon.
Kinilala ni Captain Christian Uy, acting SpoÂkesman ng Armys 4th Infantry Division (ID) ang mga nasugatan na sina Corporal Saham Baginda; Pfc Wilmer Martinez; Pfc Louie Baldivino at Pfc Renan Villarino; pawang nasabugan ng landmine at ang nasugatan sa bala ay nakilala naman sa apelÂyido nitong Pfc Tagbe na pawang kasapi ng Armys 36th Infanty Battalion.
Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga kasalukuyang nagsasagawa ng security /combat opeÂration ang 36th IB sa pamumuno ni 2nd Lt. Marian Victor Mancia sa liblib na lugar ng Brgy. Siagao, San Miguel ng lalawigang ito nang pasabugan ng landmine ng mga rebelde.
Kasunod ng pagsabog ay pinaulanan din ng bala ng mga rebelde ang tropa ng pamahalaan.
Sa kabila naman ng sorpresang pag-atake ay nakipagpalitan ng putok ang iba pa sa mga sundalo na tumagal ng mahigit sampung minuto ang bakbakan bago nagsiatras ang NPA rebels.
- Latest