^

Police Metro

4 patay, 13 sugatan sa Basilan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at isang kasapi ng Civilian Volunteers Organization (CVO) ang nasawi habang 13 ang nasugatan nang magsagupa ang tropa ng pamahalaan at mga ASG kahapon ng umaga sa Brgy. Colonia, Lamitan City, Basilan.

Inihayag ni Col. Carli­to Galvez, Commander ng Armys 104th Brigade at Task Force Basilan na kabilang sa mga sugatan ay dalawang CVO, isa rito ay kritikal at dalawang sundalo habang ang pito ay mula sa panig ng mga kalaban na nagsanib puwersang Abu Sayyaf, Moro National Liberation Front (MNLF) at Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF). 

Ayon sa AFP ang insidente ay pinaniniwalaang spillover ng hostage crisis sa pag-atake ng MNLF sa ilang barangay sa Zam­boanga City na nasa ikaapat na araw na kahapon.

Batay sa ulat, bandang alas-9:30 ng umaga nang mangyari ang pag-atake ng mga bandidong Abu Sayyaf sa naturang komunidad ka­ya’t nagresponde ang tropa ng militar na sinagupa ang umaatakeng mga armadong grupo ng Abu Sayyaf nauwi sa bakbakan.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ARMYS

AYON

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

LAMITAN CITY

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

TASK FORCE BASILAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with