Taxi operator na binasahan ng Bibliya ang driver, sinaksak
MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ng isang taxi driver ang kanyang operator matapos na mairita ito sa paÂmimilit na makinig siya ng Salita ng Diyos naganap kahapon sa Valenzuela City.
Nasa kritikal na konÂdisyon sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa katawan ang biktimang si Virgilio Delamines, 71 ng San Miguel St., Barangay Balubaran ng lungsod.
Ang suspek na nakaÂkulong na ay nakilalang si Benjamin Hernandez Jr., 56 ng Novaliches, Quezon City.
Batay sa ulat dakong alas-7:30 ng umaga sa bahay ng biktima sa San Miguel St., Barangay Balubaran ay nasa kanilang garahe ng taxi sa bahay ng biktima ang suspek kung saan binabasahan sila ng Bibliya ni DeÂlamines.
Tinangkang umiwas ang suspek, subalit napansin siya ng biktima at sinita na nauwi sa pagÂtatalo hanggang sa bumunot ng patalim ang una at inundayan ng saksak ang huli.
- Latest