Bulto ng ebidensiya laban kay Napoles atbp. ibinigay na sa NBI
MANILA, Philippines - Ibinigay na kahapon sa opisina ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kahun-kahong mga dokumento na magsisilbing documentary evidence na gagamitin sa paghahain ng kasong plunder laban sa negosyanteng si Janet Lim-Napoles at iba pang isiÂnasangkot sa isyu ng maÂanomalyang paggamit ng pork barrel.
Dakong alas 4:00 ng hapon nang magtungo si Atty. Levito Baligod sa NBI Special Task Force para isumite ang mga nakakahong dokumento.
Kinabibilangan umano ito ng affidavit ng mga whistle blowers na kanilang panunumpaan, tripartite memorandum agreement, accounting ng mga naging transaction ni Napoles sa mga mambabatas simula pa noong taong 2004 hanggang 2010.
Sa susunod na linggo naman umano ay isusumite rin ng kanilang kampo ang mga documentary evidenÂce na may kinalaman sa MaÂlampaya funds.
- Latest