^

Police Metro

SK elections ipagpapaliban

Doris Franche-Borja, Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillante na posibleng  ipagbaliban ang pagsasagawa ng Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 28 matapos na pag-usapan ang pondo at hindi ang pagsagawa ng halalan.

Kabilang sa mga napag-usapan ay ang milyong pondo ng SK kung saan napu­punta lamang sa sports activities, sayawan at iba pa kung saan humahantong sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan.

Hindi naman napag-usapan kung dapat  nang isabay sa  barangay elections ang  SK elections.

Samantala, aprubado na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na ipagpaliban muna ang SK  elections.

Sinabi nina Dinagat Island Rep Arlene “Kaka” Bagao at Kabataan partylist Rep. Terry Ridon, walang napagkasunduan kung kailan muli idaraos ang SK elections, subalit ang suspensyon nito ay hanggang sa Mayo 2016.

Nabatid na 11 miyembro ng komite ang bumoto pabor habang isa naman ang tumutol dito.

BAGAO

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTE

COMELEC

DINAGAT ISLAND REP ARLENE

HOUSE COMMITTEE

SANGGUNIANG KABATAAN

SUFFRAGE AND ELECTORAL REFORMS

TERRY RIDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with