^

Police Metro

Paggamit ng ‘pork’ pinigil ng SC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinigil kahapon ng Supreme Court ang pama-mahagi sa mga mambabatas ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF), o pork barrel na kasalukuyang iniimbestigahan ng Senado at National Bureau of Investigation.

Matapos ang en banc meeting nag-isyu ang High Tribunal ng  temporary restraining order (TRO) sa pamamahagi ng natitirang PDAF ngayong 2013 national budget at  ang Malampaya Funds na gaga­mitin para sa pagpapairal ng bahagi ng probisyon ng Section 8 ng Presidential Decree 910.

Ang pagpapalabas ng TRO ay unanimous decision at ibinase sa 3 petitions laban kina President Benigno Aquino III, Senate President Franklin Drilon, et al at Executive Secretary Paquito Ocha Jr., et al.

Ang isang petisyon ay isinampa ni dating Manila Councilor Greco Belgica; ang isa ay kay Samson Alcantara ng grupong Social Justice Society; at ang huli ay kay Pedrito Nepomuceno.

Nakatakdang gawin ang oral arguments sa  Oktubre 8 ganap na alas-2:00 ng hapon kung saan binigyan din ng SC ang mga petitioner  at respon-dents ng 10 araw para magkomento.

Ang multi-billion pork scandal na ngayon ay nasa 3 buwan nang pinag-uusapan na  nag-uugnay kay Janet Lim Napoles at sa iba pang mambabatas.

Si Napoles ay inakusahan na nagbulsa ng mga pork barrel sa pamamagitan ng mga pekeng NGOs na alam umano ng mga mambabatas o ang kanilang chiefs of staff.

Nagalit ang mga mamamayan sa nasabing  pork barrel scandal kung kaya’t nagsagawa noong Agosto 26 ng isang rally sa Luneta na kumokondena sa mga lawmakers sa maling paggamit ng pork barrel.

 

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHA JR.

HIGH TRIBUNAL

JANET LIM NAPOLES

MALAMPAYA FUNDS

MANILA COUNCILOR GRECO BELGICA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PEDRITO NEPOMUCENO

PRESIDENT BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with