^

Police Metro

3 Intsik tiklo sa P314-M shabu

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong Chinese nationals ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na mahulihan ng nasa P314-mil­yong halaga ng shabu nang salakayin ang inu­upahang unit ng mansion house na nagsisilbing drying station ng iligal na droga sa Tondo, Maynila.

Ang mga suspek ay  kinilalang sina Ong Tsen Siong alyas Jackie Lopez at William Uy; Lee Chian Chiat; at Sy Tian Kok na pawang kasapi ng isang drug syndicate na nag-o-operate sa bansa.

Nasa 62.7188 na kilo ng shabu ang nakum­piska sa Unit  704, sa 3rd floor ng Cathay Mansions na matatagpuan  sa Mayhaligue St., Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ayon sa NBI na nahirapan silang matukoy na shabu o metamphe­tamine hydrochloride ang kanilang nakum­pis­ka dahil sa mistulang legal na produkto na nakabalot sa alumi­num foil tea bags, na may markings ng Chine­se characters, na idi­ne­deklarang Chinese tea at medisina.

 

vuukle comment

CATHAY MANSIONS

JACKIE LOPEZ

LEE CHIAN CHIAT

MAYHALIGUE ST.

MAYNILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ONG TSEN SIONG

SHY

SY TIAN KOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with