Meralco magtataas ng singil
MANILA, Philippines - Makakaranas nang pagtaas ng singil sa kurÂÂyente ng 18 sentiÂmo kada kilowatt hour (kWh) ngayong SetÂyemÂÂbre o P36 sa bawat resiÂÂdential costumer na kumukonsumo ng aveÂrage na 200-kWh ng kuryente kada buwan.
Ito ang inihayag ng Manila Electric ComÂpany (Meralco) dahil ang pagtaas ng poÂwer rates ngayong buwan ay bunÂsod na rin umano nang pagtaas ng generation at transmission charges.
Ayon sa Meralco na bagamat bumaba ang rates ng bagong Power Supply Agreements (PSAs) at Independent PoÂwer Producers (IPPs), ng tatlong sentimo per kWh dahil sa paghuÂsay ng capacity factor ng ilang planta at pagbaÂwas ng coal price para sa supply month ng Agosto, gayundin ang buwis na bumaba naÂman ng apat na sentimo per kWh, ay hindi naman ito masyadong naramdaman dahil sa pagÂtaas ng generation at transmission charges.
Nabatid na nagÂkaÂroon ng 13-centavo per kWh increase sa geÂneÂration charge daÂhil na rin sa P 8.70 per kWh upward adÂjustÂment sa haÂlaga ng elektrisidad na mula sa Wholesale ElecÂtricity Spot Market (WESM).
- Latest