^

Police Metro

Dahil sa sakit na diabetes: Briton nagbigti

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang takasan ang sakit na nararamdaman dahil sa pagkakaroon ng diabetes, kaya minabuti ng isang 73-anyos na Briton na magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Binuangan, Sindangan, Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon.

Ang nagpakamatay ay kinilalang si John William George Teahan, kasal sa Pinay na si Agnes Pinote na residente sa nasabing probinsiya.

Ayon sa report, ang Briton ay natagpuang nakabigti at wala ng buhay sa stockroom ng kanilang tahanan.

Sinasabing kawad ng kuryente ang ginamit ng biktima sa kanyang pagpapakamatay. Dakong alas-4:45 ng hapon ng matuklasan ang pagpapatiwakal ng Briton sa loob ng kanilang tahanan matapos na umalis ang misis nito. Bago ang pagpapakamatay ay inutusan ng biktima ang kanyang misis na i-print ang kanyang plane ticket sa e-mail nito patungong London na ang flight schedule ay sa darating na Setyembre 10  .

Pagkauwi ni Agnes sa kanilang tahanan ay doon niya natuklasan ang pagpapakamatay ng biktima.

Nabatid na matagal ng dinadaing ng Briton ang kanyang sakit na diabetes na nagkaroon na rin umano ng iba’t ibang komplikasyon.

 

vuukle comment

AGNES

AGNES PINOTE

AYON

BINUANGAN

BRGY

DAKONG

JOHN WILLIAM GEORGE TEAHAN

NABATID

NORTE

PAGKAUWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with