^

Police Metro

Zero remittance protest vs PDAF handa na

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Handa na ang inila­tag na ‘zero remittance protest’ ng libu-libong Overseas Filipino Wor­kers (OFWs) sa iba’t ibang panig ng mundo sa dara­ting na Setyembre 19.

Sinabi ng Migrante International tinatayang 10,000 hanggang 50,000 OFWs ang makikiisa sa kanilang gagawing pagkilos na may temang “Zero Remittance Day for Zero Pork” bilang pagkondena sa nabunyag na paglustay ng kaban ng bayan at hihilingin na tuluyan nang alisin ang Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF) o pork barrel na nagiging sanhi ng korupsyon sa bansa.

Nanawagan ang Mig­rante sa kanilang mga member organization o kaalyadong grupo sa buong mundo na makiisa sa nasabing ‘zero remittance protest’ laban sa mga mambabatas na inaakusa­hang nambulsa ng kanilang pork barrel at ibang mga kasabwat kasunod ng pag­lutang ng mga whisleblo­wers laban sa negosyanteng si Janet-Lim Napoles na umanong mastermind sa pork barrel scam.

Maliban sa pag-abo­lish sa PDAF ng mga mam­babatas, nais din ng mga OFWs na maging ang pork barrel ni Pangulong Benigno Aquino III ay alisin na rin at maimbesti­gahan, makasuhan at ma­parusahan ang mga mam­babatas at indibidu­wal na ilegal na nakinabang sa nasabing pondo.

Ang protesta ng mga OFWs kontra PDAF ay itinakda sa Sept. 19 dahil kasabay ito ng anibersar­yo ng Overseas Workers Welfare Assistance Omnibus Policies kung saan nakapaloob sa polisya na kailangan magbigay ng $25 kontribusyon ang mga OFWs bago magtrabaho sa ibang bansa.

vuukle comment

ASSISTANCE FUND

JANET-LIM NAPOLES

MIGRANTE INTERNATIONAL

OVERSEAS FILIPINO WOR

OVERSEAS WORKERS WELFARE ASSISTANCE OMNIBUS POLICIES

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRIORITY DEVE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with