^

Police Metro

Port of Subic nanguna sa malaking koleksyon

Randy V. Datu - Pang-masa

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines – Umabot ng halos P7.04 billion revenue ang nalikom na koleksyon nitong Agosto ang Port of Subic sa loob lamang ng walong buwan na naging dahilan upang malampasan ang halos lahat ng port sa bansa sa kanilang full year target ngayong taon.

Sa rekord ng Bureau of Customs (BoC), nabatid na ang target collection ng Port of Subic ay nasa P6.15 bilyon para sa taong 2013.gayunman, mula Enero hanggang Agosto ng 2013 ay nakalikom na ng P7.04 bilyon ang BoC-Subic sa pamumuno ni Subic District Collector Atty. Adelina S.E. Molina.

Idinagdag pa ni Molina na ang koleksyon ay higit na lalagpas mula sa tinarget na koleksyon para sa taong kasalukuyan sa pagpasok ng peak months o ang mga buwan ng Setyembre, Oktubre, Nobyembre at Disyembre.

Bukod dito sa ipinalabas na report card ng Civil Service Commission (CSC), ang Port of Subic ay  nakakuha ng markang 90.43 o katumbas ng “Excellent” para sa pagtupad sa Anti-Red Tape Act (ARTA) at Over-all Client satifaction.

 

ADELINA S

AGOSTO

ANTI-RED TAPE ACT

BUKOD

BUREAU OF CUSTOMS

CIVIL SERVICE COMMISSION

DISYEMBRE

MOLINA

PORT OF SUBIC

SUBIC DISTRICT COLLECTOR ATTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with