^

Police Metro

Panghahalay ng 81-anyos sa 13-anyos na special child nabidyuhan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi maikakaila ng isang 81-anyos na lolo ang ginawa nitong panghahalay sa isang 13-anyos na dalagita na may kapansanan sa pag-iisip dahil sa nakunan siya ng video habang ginagawa ang kahalayan noong Miyerkules ng alas-12:30 ng tanghali sa may 21-C Alcantara compound, Banlat, Quezon City.

Ang suspek ay nakila­lang si Estelito Lucillo na  sinampahan ng tatay ng biktima ng kasong rape at paglabag sa Republic Act 7610 o child abuse.

Sa salaysay ng testigong si Rey Alforte, nasa itaas siya ng kanyang tinutuluyan at nanonood ng telebisyon nang makaramdam ng pagdura.

Paglapit niya sa hagdanan ng kanyang bahay para dumura ay aksidenteng nakita niya ang suspek na nakaibabaw sa biktima at ginagahasa.

Para makakuha ng ebidensya ay agad niyang kinunan ng litrato at video ang panghahalay at saka personal na ipinabatid ito sa tatay ng biktima.

Agad na nagtungo sa himpilan ng barangay ang tatay ng biktima at ipinaaresto ang suspek.

vuukle comment

BANLAT

BIKTIMA

C ALCANTARA

ESTELITO LUCILLO

MIYERKULES

PAGLAPIT

QUEZON CITY

REPUBLIC ACT

REY ALFORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with