^

Police Metro

Enrile, Bong at Jinggoy idiniin na naglagay ng ‘pork’ sa pekeng NGOs ni Napoles

Pang-masa

MANILA, Philippines - Deretsahang idiniin ng isang dating opisyal ng National Agribusiness Corp. (NABCOR) sina Se­nators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla na direktang naglagay ng kanilang  Priority Development Asistance Fund (PDAF) o pork barrel sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) na konektado kay Janet Lim-Napoles.

 Humarap sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Senator Teofisto Guin­gona si dating National Agribusiness Corporation (Nabcor) president Alan Javellana na nagpatunay na kabilang ang tatlong se­nador sa naglagay ng kanilang PDAF sa Social Development Program for Farmers Foundations Inc. (SDPFFI), Masaganang Ani para sa Magsasaka Foundation Inc. (MAMFI), at People’s Organization for Progress and Development Foundation Incorpo­rated.

Ang tatlong  organisas­yon ay kabilang sa walong NGOs na iniuugnay kay Na­poles.

Sinabi naman ni dating NABCOR vice-president for administration and finance Rhodora Mendoza na sigurado siya na ang tatlong nasabing senador  at ibang mga congressmen ay nagbigay ng kanilang  endorsements letter para ibigay ang pork barrel sa  NGO na SDPFFI noon ay pina-follow up ng whistle blower na si Benhur Luy sa kanilang tanggapan para sa kanyang NGO na SDPFFI.

Inihayag din ni Mendoza na karamihan sa mga mambabatas na naglagay ng pondo sa mga nasabing NGOs kasama ang ilang congressmen ang lumagda mismo sa endorsement letters.

Ang NABCOR ay isa sa dalawang subsidiaries ng Department of Agriculture (DA) na natuklasan ng  Commission of Audit (COA) na may kaugnayan sa mga bogus na NGOs.

Sinabi pa ni Mendoza na lagi niyang nakikita si Luy sa opisina ng NABCOR na nagsasagawa ng follow-up sa mga NGO projects at isang beses lang niya na nakita si Napoles nang imbitahan siya nito sa isang “thanksgiving mass” na isinagawa sa Discovery Suites sa Pasig City.

Pinangalanan din ni Javellana si Senator Gregorio Honasan na naglagay din ng kanyang PDAF sa Nabcor pero hindi ito napunta sa NGO na konektado kay Napoles.

Lumabas din sa pagdi­nig na umabot sa P1.2 bil­yon ang PDAF na ipinadaan ng mga mambabatas sa Nab­cor habang nanunungkulan si Javellana, bukod pa sa P220 milyon na inilagay naman sa isa pang GOCC na ZREC o Zinac Rubber State Corporation. – Malou Escudero –

ALAN JAVELLANA

BENHUR LUY

COMMISSION OF AUDIT

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DISCOVERY SUITES

FARMERS FOUNDATIONS INC

JANET LIM-NAPOLES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with