Guro inutas, 2 pa kinidnap
MANILA, Philippines - Isang guro ang pinatay habang dalawa naman ang dinukot sa magkahiwalay na insidente sa Zamboanga del Sur at Lantawan, Basilan kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay nakilalang si Darwin Buenafe, 32, titser sa elementarya, may-asawa, residente ng Purok Talisay, Brgy. Diplo, Kumalarang Zamboanga del Sur.
Sa ulat, bandang alas-6:50 ng gabi habang abala ang biktima sa paghaÂhanda ng hapunan sa kanyang paÂmilya nang bigla na lang pumasok sa bahay ang suspek na armado ng shotgun at walang sabi-sabing binaril ang biktima na duguang napasalampak sa hapag kainan.
Mabilis na tumakas ang suspek nang masigurong patay na ang biktima.
Samantala, dalawang guro ng Charity Children Foundation Inc (CCFI), isang non-government organization (NGO) ang dinukot ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Lantawan, Basilan dakong alas-7:30 ng gabi.
Kinilala ni Basilan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Mario Dapilloza ang mga dinukot na sina Frederick Banot at Cherden Masong; pawang teaching staff ng CCFI na nakabase sa nasaÂbing lugar.
Base sa ulat, kasalukuyan nang nagpapahinga ang dalawang biktima sa loob ng kanilang staff house sa Sitio Wharf PaÂngasaan, Brgy. Tairan ng nasabing bayan nang dukutin ng mga armadong kalalakihan.
Walang nagawa ang dalawang biktima matapos na tutukan ng baril at puwersahang kaladkarin ng mga kidnaper pasakay sa dalawang pumpboat na tumahak patungo sa hindi pa malamang destiÂnasyon.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang grupong sangkot sa pagdukot sa mga biktima.
- Latest