^

Police Metro

6 solon nagbigay ng Pork sa NGO’s ni Napoles

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines -Ibinulgar kahapon sa isang presscon ni De­partment of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala na 6 na congressmen ang nagbigay ng kanilang pork barrel funds sa non-government organization (NGO) ng umano’y pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.

Sinabi ni Secretary Proceso Alcala na nasa P83.2 milyon ng pork barrel funds ang ibinigay ng 6 congressmen sa Ka­updanan para sa Ma­ngunguma Foundation Inc. (KMFI) noong 15th Cong­ress.

Subalit, anya ay nasa P44.9 milyon lang ng pork barrel funds ang ibinigay sa KMFI dahil sa ilang “safety nets” na ginawa ng DA.

Idinagdag nito na ang majority ng mga pondo na inilabas ay maayos na na-liquidated at ilang  mga dokumento ng mga NGO na hinahawakan umano ni  Napoles ay ipinapakita na ang lahat ng mga proyekto ay natapos.

Si Masbate 3rd district Scott Davies Lanete ay nakapagbigay sa KMFI ng P45 milyon ang iba pa ay sina AN-WARAY party-list Rep. Neil Benedict Montejo (P9.2-M); Davao Del Norte 2nd District Rep. Antonio Lagdameo (P1-M); Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab (P13-M); Oriental Mindoro 2nd District Rep. Reynaldo Umali (P10-M at P1.3-M); at dating Camarines Sur 4th District Arnulfo Fuen­tebella ay nasa P5-M su­balit P750,000 lamang ang naibigay sa KMFI.

Inihayag din ni Alcala na bukod sa KMFI, ay anim pang NGOs ang na­katanggap ng PDAF sa kanyang panunungkulan ito ay ang mga Maharlikang Lipi Foundation Inc. – P10 million (only P1.5 million released); Kaakbay Buhay Foundation Inc. -P15 million (P2,250,000 released); Coprahan at Gulayan Foundation Inc.-P5 million (fully re­leased); Kaagapay at Pag-asa ng Masa Foundation – P62,460,000 (P28,262,000 released); Kasangga ng Magandang Bukas Foun­dation Inc. - P62, 125,000 (P17,587 450 released); Kabuhayan sa Kalusugan Alay sa Masa Foundation - P96,300,000 (P33,292,500 released)

Nabatid kay Alcala na ang mga opisina ng Ka­akbay Buhay Foun­da­tion Inc. at Kasangga ng Magandang Bukas Foundation Inc., ay wala na.

ALCALA

ANTONIO LAGDAMEO

BUHAY FOUN

CAMARINES SUR

DAVAO CITY

DISTRICT REP

MASA FOUNDATION

SECRETARY PROCESO ALCALA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with