Nag-dive sa ilog, basag ang mukha
MANILA, Philippines - Nabasag ang mukha ng 27-anyos na binata na si Romwaldo dela Cruz, ng Phase 2, Blk 58, Lot 36 Parklane Country Homes nang tumama sa isang bato sa ilalim ng ilog nang ito ay tumalon para maligo kasama ang mga kaibigan kahapon ng umaga sa sa ilog ng Brgy. Santiago, Gen. Trias, Cavite.
Sa ulat, alas-9:00 ng umaga ay nagtungo ang biktima kasama ang utol nito na si Israel at iba pang mga kaibigan sa nasabing ilog upang maligo.
Nakailang dive na ang ginawa ng biktima subalit sa huling pagtalon nito ay aksidenteng sumalpok ang mukha nito sa isang bato.
- Latest