^

Police Metro

SIPAG, humihingi ng tulong kay PNoy

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Humihingi ngayon ng tulong sa Pangulong Noynoy Aquino ang grupo ng Sibuyas ng Pilipino Ating Alagaan (SIPAG) dahil sa patuloy na nagaganap na smuggling ng bawang at sibuyas sa bansa. Ayon kay Francisco Collado, pangulo ng SIPAG, luging-lugi na silang mga onion at garlic grower dahil sa smuggling kaya sila nag­papasaklolo sa Pangulong Aquino.

“Ang pagbaha ng imported na sibuyas at bawang sa bansa ay pumapatay sa aming kabuhayan dahil bagsak ang presyo nito sa merkado na galing China at Vietnam at karatig na bansa”, ani Collado.

Sinabi ni Collado, kasabwat umano ang Bureau of Plants (BP) at ilang tiwaling Agriculture officials sa nagaganap na smuggling at pagbibigay ng import permit sa iisang tao lamang. Kinumpirma rin ni Atty. Ariel Jawid, abogado ng SIPAG, na isang tao lamang ang binibigyan ng import permit ng  BP at DA sa daan-daang container ng sibuyas na pinapasok sa bansa kada buwan.

“Kinopo ng iisang tao o ginawang monopolya na ng taong ito ang nasabing importation na labag naman sa ating konstitusyon”, pahayag pa ni Jawid.

Sinasabing matagal ng nagrereklamo ang SIPAG kay Agriculture Sec. Proceso Alcala hinggil sa talamak na smuggling ng onion at garlic pero hindi ito umaaksiyon kaya sa Pangulong Aquino na sila nagpapasaklolo.

vuukle comment

AGRICULTURE SEC

ARIEL JAWID

BUREAU OF PLANTS

COLLADO

FRANCISCO COLLADO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PILIPINO ATING ALAGAAN

PROCESO ALCALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with