VIP treatment kay Napoles, binira
MANILA, Philippines - Binira ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pamahalaan dahil umano sa pagbibigay ng VIP treatment kay Janet Lim Napoles na sangkot sa P10 billion pork barrel scam.
Ganap na alas-9:00 ng umaga nang sabay sabay na nagtungo sa Makati ang grupo ng VACC na may mga bitbit na naglalakihang placard nakasaad na “Mga politiko makonsensiya kayo. Lahat ng sangkot dito ay kailaÂngan ikulong at ibasura ang pork barrelâ€.
Pinangunahan ni VACC Chairman Dante Jimenez at Boy Evangelista ang isinagawang kilos protesta sa labas ng Makati City Jail upang harangin ang paglabas at pagpapalipat kay Napoles sa Fort Santo Domingo sa Santa Rosa, Laguna.
Mariing kinuwestiyon ng VACC ang Malacañang dahil sa special treatment na ibinibigay kay Napoles samatalang sangkot ito sa maanomalyang pork barel scam.
“Sana huwag namang gawin ito ng pamahalaan natin, dapat ay sa Makati City Jail na lamang ikulong si Napoles†ani Jimenez.
Si Napoles ay nakatakdang ilipat sa Santa Rosa, Laguna matapos pagbigyan ni Makati Region Trial Court Judge Elmo Alameda ng Branch 150 ang petition ng akusado na mailipat sa ibang kulungan para matiyak ang kanyang kaligtasan.
- Latest