400 bank accounts ni Napoles pinabubusisi sa AMLC ‘People power’ nakaamba kapag naging state witness
MANILA, Philippines - Inatasan ng Court of Appeals ang Anti-MoÂney Laundering Council (AMLC) ang mahigit 400 bank accounts umano na nakapangalan sa negosyanteng si Janet Lim Napoles.
Sa 24-pahinang reÂsolusyon na ipinalabas ng CA-2nd division, limang buwan lang ang ibinibigay nito sa AMLC para magsagawa ng “bank inquiry†at sa 430 bank accounts nito, mga kaanak at mga non-governmental organizations na inuugnay kay Napoles.
Unang ipinatupad ng AMLC ang “freeze†order sa mga naturang bank accounts ni Napoles nang mabunyag ang multi-billion peso pork barrel fund scam.
Iniutos din ng CA na magsumite ng report ang AMLC hinggil sa isinagawang pagbusisi sa loob ng 10 araw pagkatapos mapaso ang five-month period.
Maliban kay Napoles, saklaw ng freeze order ng AMLC ang asawa nitong si Jimmy, mga anak na sina Jo Christine, James Christopher, John Christian, Jeane at Jane Napoles at kapatid na si Reynald “Jojo†Lim.
Idiniin ng CA na mayroon umanong “probable cause†na ginamit ang nasabing mga bank accounts sa mga “unlawful activities†na iniuugnay sa negosyante. Kasabay nito, nagbabala si Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares, ang posibilidad ng pagkakaroon ng “People Power†kung igigiit ng ilang pulitiko na gawing state witness ito.
Aniya, isang insulto sa taumbayan kung magiging state witness lang si Napoles at lalong mag-aapoy sa galit ang mga ito. Hindi rin umano inaasahan ng publiko ang “special treatment†na ibinibigay ngayon dito ng mga awtoridad.
Iginiit pa ng mambabatas na dapat na maibalik sa kaban ng bayan ang mga ninakaw na pork barel ni Napoles.
- Latest