Radio commentator itinumba
MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang radio commentator matapos na tadtarin ng dalawang armadong kalalakihan sa Brgy. Buru-un, Iligan City, Lanao del Norte nitong Huwebes ng gabi.
Ayon sa Iligan City Police, ang biktimang si Fernando “Nanding†Solijon, anchor ng Public Affairs Program na “Sandiganan†ng DXLS Love Radio FM sa lungsod ay bigla na lamang pinaulanan ng 13-bala ng baril ng dalawang di kilalang suspect na sakay ng motorsiko.
Ang biktima ay supporter umano ni Iligan City Rep. Vicente “Varf†Belmonte at kilalang buÂmabatikos sa mga tiwaling pulitiko. Unang ibinulgar umano ni Solijon ang illegal na operasyon ng droga ng isang barangay chairman sa lungsod.
Batay sa report ng pulisya, unang nagtungo ang biktima sa bahay ng kaibigan nito at dito naghapunan at nakipag-inuman. Ngunit bandang alas-10:30 ng gabi nang papauwi na ito at papatawid ng kalsada para puntahan ang nakaparadang sasakyan sa Brgy. Buruun ng nasabing lungsod ay bigla na lang sumulpot ang mga suspect at pinagbabaril ang biktima.
Sinabi pa ng pulisya na maraming beses ng nakakatangggap ng death threat ang biktima bago pa man sumapit ang campaign period ng katatapos na May 2013 midterm election.
Kasabay nito ay kinondena ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) – Iligan City-Lanao Chapter ang pagpaslang kay Solijon dahil ito na ang ika-201 journalist na napatay mula noong 1986. Bumuo naman ng Task Force NanÂding Solijon ang pulisya para sa agarang pagdakip sa mga suspect.
- Latest