Biyuda ni-rape, binigti at itinapon sa fishpond
MANILA, Philippines - Karumaldumal ang sinapit na kamatayan ng isang 56-anyos na biyuda na si Emma Manangag na natagpuang walang saplot na pang-ibaba at may nakapulupot na lubid sa leeg sa isang fishpond kahapon ng umaga sa Sitio Pugad Ibon, Brgy. Sta. Isabel, Kawit, Cavite.
Batay sa imbestigasÂyon, dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng mismong anak nito na si Michael Manangat na nakahandusay sa gilid ng fishpond sa nasabing lugar.
Sa salaysay ng mga residente dakong alas-10:30 ng gabi nang makarinig ang mga residente ng kaguluhan sa loob ng public comfort room.
Walang saplot pang ibaba ang biktima kung kaya hinihinala na ginahasa ang biktima bago binigti at itinapon sa fishpond.
- Latest