^

Police Metro

Hitman sa Olongapo Mayor, Nakonsiyensiya, sumuko

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nabunyag ang tangkang pagpatay kay Olongapo City Mayor Jeffrey Khong­hun nang makonsiyensiya at magsuplong sa pulisya ang dapat sana’y killer nito  na si Rommel Ave, 33 ng Avocado St., Sta. Rita, Olongapo City.

Ayon sa salaysay ni Ave, kinontak siya ng isang nag­ngangalang “Bert”, may-ari ng isang mamihan sa Olongapo, dahil mayroon itong kliyente na naghahanap ng hired killer.

Noong umaga ng Ika-20 ng Agosto, ipinakilala ni Bert si Ave bilang isang tirador o hired killer sa isang nagngangalang Gregorio Gutierrez.

Sakay ng puting Suzuki Sedan na may plakang TBO 619, napagkasunduan ang halagang P100,000 kung mapapatay ang mayor.

Sa loob din ng kotse pinlano ang gagawing pagmamanman kay Khonghun bago ang pagpaslang.

Gayunman, sa halip na magmanman ay isiniwalat ni Ave sa bodyguard ni Khonghun ang tangkang pagpatay sa mayor, ngunit hindi umano  pinaniniwalaan kaya’t nagpasya ito na humingi ng tulong sa pulisya kung saan ay agad na binuo ang planong pag­huli kay Gutierrez at mga kasamahan nito.

Muling nakipagkita si Ave kay Gutierrez sa Olongapo kasama ang dalawang pulis na ipinakilala niyang mga “kasamahan,” para humingi ng perang panggastos.

Ang tatlo ay inihatid ni Gutierrez sa  Subic at habang nasa kotse ay ibinigay ang gagamiting kalibre .45 baril at mga bala, subalit pagbaba ni Ave sa kotse para kunwari ay kunin ang motorsiklong gagamitin ay doon na nagpakilala ang dalawang kasama ni Ave na na mga pulis at inaresto si Gutierrez.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad upang maaresto si Bert, ngunit nakatakas na ito.

AVE

AVOCADO ST.

BERT

GREGORIO GUTIERREZ

KHONGHUN

OLONGAPO

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY MAYOR JEFFREY KHONG

ROMMEL AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->